Pangbukas na Katanungan: Naranasan mo na bang tumawid sa ilog habang may malakas na bagyo? Ano ang kalagayan mo? Kung hindi pa, paano kung makaranas ka ng ganitong sitwasyon, ano ang mararamdaman mo at ano ang una mong gagawin?
Basahin: Markos 4:35-41 (Optional: Matthew 8:23-27 / Luke 8:22-25)
Observe (Pag-oobserba):
1. Sinu-sino ang kasama ni Hesus na dumaong sa dagat? Sagot: Ang mga alagad 2. Anong oras sila tumawid? Sagot: Gabi na. Madilim na 3. Anong klaseng bagyo ang naranasan nila sa gitna ng dagat? Sagot: Malakas na hangin na may kasamang ulan. Walang babala 4. Anong ginagawa ni Hesus habang bumabagyo? Sagot: Natutulog si Hesus! 5. Ano ang naging reaksiyon at aksyon ng mga alagad? Sagot: Natakot, at Nainis kay Hesus. Ginising nila si Hesus 6. Ano ang sinabi ni Hesus pagkatapos ng himala? Sagot: Bakit kayo nangatakot? Wala pa baga kayong pananampalataya?
Interpret (Kahulugan):
1. Bakit kaya sila tumawid? Sagot: Makalayo sa mga tao para makapagpahinga dahil sila’y napagod buong araw. Mayroon silang ibang pupuntahan na pagmiministeryuhan. 2. Anong ibig sabihin kapag sinabing gabi na sila nakaalis? Sagot: Sobrang abala sila sa buong maghapon kaya marahil sa panahon na ito ay pagod na sila. Madilim na yun ibig sabihin mas nakakatakot maglakbay. Puwede rin na tiwala sila dahil mga mangingisda naman sina Peter, Andrew, James, at John kaya kahit gabihin sila. 3. Bakit kaya nagkaroon ng bagyo eh maganda naman ang panahon buong araw? Sagot: Sumama bigla ang panahon. Marahil sInusubok sila sa kanilang pananampalataya. 4. Bakit natutulog si Hesus kahit bumabagyo na? Sagot: Pagod. May kapayapaan Siya kaya di Siya natatakot sa kung anong puwedeng mangyari. Puwedeng hinihintay niya ang mga alagad na patunayan ang kanilang pananampalataya sa Kaniya. 5. Ano sa palagay mo bakit nainis ang mga alagad at ginising nila si Hesus? Sagot: Nainis sila dahil may bagyo na ay natutulog pa si Hesus, parang walang pakialam Natakot sila na baka mamatay sila sa oras na iyon dahil hindi nila kaya ‘yung bagyo. Hindi nila kaya ang bagyo kahit sila ay mga bihasa ng mangingisda dahil hindi ito ordinaryong bagyo lamang. 6. Ano ang ibig sabihin ng himala ni Hesus? Sagot: Makapangyarihan Siya at kaya Niyang pahintuin kahit gaano kalakas na hangin o bagyo.
1. Napapagod din tayo kaya kailangan may oras ng pagpapahinga. At hindi lang sa iisang lugar ang ating misyon, may mga naghihintay pa sa ibang dako kaya kailangang umalis din upang may iba pang maabot. 2. Di man tayo nakaranas ng totoong pakikibaka sa bagyo tulad ng mga disipulo ngunit maraming mga bagyo o kadiliman sa ating buhay ang ating nararanasan tulad ng pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, kahinaan, kamatayan ng mahal sa buhay, kawalang pag-asa, at marami pang iba na nagbibigay sa atin ng kapaguran. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo susunod sa Kaniya. 3. May mga pagkakataon na ina-allow ng PAnginoon ang mgapagsubok sa ating buhay upang makita natin ang ating pagiging walang kakayanan at tumawag sa Kaniya ng sa gayun ay lalo tayong lumakas. Ating pasalamatan na kasama natin ang Panginoon sa ating Bangka (buhay)! May kontrol Siya. Siya ang Kapitan. 4. Maaari nating maisip o maramdaman na parang walang pakialam sa atin ang Panginoon. Siya ay natutulog at at parang hindi naririnig ang ating mga panalangin na tila tumatalbog lang sa kisame. Kailangan nating magtiwala sa Kaniya dahil kaya Niyang patigilin anumang bagyo sa ating buhay. Tutulungan Niya tayo ganuman ito kalakas na tila napakabigat para sa atin. 5. Madalas kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok ay nakakalimot tayo at parang sinisisi pa natin ang Panginoon. Ngunit kailangan nating isipin ‘yung mga nakalipas ng mga himala na ginawa Niya sa ating buhay at doon ay mapapatunayan nating Siya ay tapat, makapangyarihan, walang imposible sa Kaniya, at gumagawa sa tamang panahon. 6. Natutunan kong huwag matakot kundi manampalataya sa Kaniyang kapangyarihan at sa mga pangako Nya ng pagliligtas sa akin. Ipagkatiwala natin ang ating buong buhay sa Kaniya. May mga panahon man na nadadapa tayo na tila nawawalan tayo ng pananampalataya ay handa pa rin Siyang tulungan tayo at muling ipakita sa atin na hindi Siya nagpapabaya. Siya ay Dios na buhay!
Juan 5:1-8 – Pagpapagaling sa Lalaking Taga-Betesda
A. Pagmamasid 1. Ilang taon nang maysakit ang lalaki? (38 y/o) 2. Ano ang bating-patanong ni Jesus sa lalaki? (Ibig mo bang gumaling?) 3. Saan nangyari ang himalang ito ng pagpapagaling? (sa Jerusalem, Judea) B. Pagbibigay Pakahulugan 1. Ano ang ibig sabihin ng 38 taon nang maysakit? Tatlumput walong taon na syang nakikipagpunyagi para mabuhay. At binigyan sya ng Dios ng ganon kahabang buhay. 2. Ano ang kahulugan ng tanong ni Jesus sa lalaki? Kinuha ni Jesus ang atensyon ng lalaki. Gustong Niyang marinig din ang pagnanais ng lalaki na tumanggap ng tulong mula sa Kanya. Gusto Niyang pagalingin siya. 3. Ano ang ibig ipahiwatig ni Jesus ng pagpapagaling Niya sa lalaking ito na taga-Jerusalem? Karamihan ng himala ni Jesus ay sa Galilea nangyari. Nabibilang lang ang mga himalang ginawa Niya sa Judea dahil sa kawalan ng pananampalataya ng mga tao doon. C. Paglalapat 1. Ingatan ang buhay natin. Mahal tayo ng Dios. Ang araw araw na buhay natin ay kaawaan at biyaya ng Dios. 2. Sa ating pisikal na karamdaman, kay Jesus tayo lumapit. Tayo din ay maysakit sa ispiritwal. Inilayo tayo ng kasalanan mula sa Dios. Lumapit tayo kay Jesus. 3. Tayo ay maging instrumento ng kaaliwan at pagpapagaling sa mga maysakit sa pisikal o ispiritwal kahit nasaan man tayo. Kahit sa lugar ng kawalan ng pananampalataya ay gagawa ang Dios ng himala.
Pagmamasid 1. Ano ang ipinagawa ng Diyos kay Samuel? (pahiran ng langis ang bagong haring papalit kay Saul)
2. Saan siya pinapunta ng Diyos? (sa Bethlehem, kay Jesse)
3. Sino ang pinili ng Diyos na maging bagong hari? (si David, ang pinakabata sa lahat ng anak ni Jesse)
Pagbibigay ng Kahulugan 1. Ano ang ibig sabihin ng pagpapahid ni Samuel ng langis? Magkakaroon na ng bagong hari. hindi na si Saul ang hari ng Israel dahil itinakwil na siya ng Diyos bilang hari ng Israel.
2. Ano ang kahulugan ng pagsasabi ng Diyos ng saktong pangalan ng pupuntahan ni Samuel? Kapag ang Diyos ang nag-uutos ito ay sakto: ang lugar, ang pangalan ng tao, minsan ay pati ang sukat kung ito ay gusali tulad ng templo at arko.
3. Ano ang kahulugan ng pagpili ng Diyos kay David bilang hari ng Israel? Ang Diyos ay hindi tumitingin sa anyo, edad, o pinag-aralan. Kahit si David ay bata lang nakita ng Diyos ang kanyang kakayahan na pamunuan ang Kanyang bayan at ang pagiging malapit niya sa Diyos.
Paglalapat 1. Ang Diyos ang nagtatalaga ng mga namumuno sa Kanyang iglesya sa pamamagitan ng udyok ng Banal na Espiritu. Siya rin ang nag-aalis sa mga ito kung hindi sila sumusunod sa pamantayan Niya. Ang langis ay sumisimbulo sa Banal na Espiritu na nagbibigay ng kapangyarihan upang magawa natin ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin.
2. Kapag inuutusan tayo ng Diyos na isulong ang Kanyang gawain, ginagabayan Niya tayo kung saang lugar tayo pupunta, sinong tao ang dapat nating kausapin, at kung paano natin ito gagawin. Dinadala Niya tayo kung saan Niya nais nating gawin ang paglilingkod sa Kanya.
3. Kapag pumipili ang Diyos ng mga maglilingkod sa Kanya, di Siya tumitingin sa ating katanyagan, kakisigan, katayuan sa buhay, pinag-aralan, o karunugan. Ang tinitingnan ng Diyos ay kung ano ang relasyon natin sa Kanya at kung paano tayo sumusunod. Hindi rin dapat maging prejudice sa mga nahihirang na mga pinuno kung naniniwala tayo na sila ay kinasihan ng Banal na Espiritu. Nararapat nating igalang ang desisyon ng pumipili sa kanila.
OBSERVATION 1. Who are the characters in the story? Answer: Ten virgins and the bridegroom. Verse 1 2. Who was the one the ten virgins were waiting? Answer: The bridegroom. Verse 1 3. What is the shortcoming of the five virgins? Answer: They did not bring extra oil. Verse 3 4. What time did the bridegroom come? Answer: Midnight. Verse 6 5. What were the ten virgins doing when the bridegroom came? Answer: Sleeping. Verse 7
INTERPRETATION 1. What is the meaning of virgins? Physically, virgin is a person who has not experience sexual intercourse. Spiritually, virgins are the people who haven’t experienced to mingle with the world. They don’t do what the world is doing. Since the term “virgin” usually denotes woman, the other meaning of it is “church”. 2. What do the bridegroom represents? In the Bible, the bridegroom represents Christ. He will marry His bride which is the church. 3. How important is the oil for the virgins? The oil is very important because if they don’t have it, they cannot enter the wedding feast. That is the requirement. No oil, no entry. 4. What is the symbol of oil in the Bible and how important it is? The symbol of oil in the Bible is the Holy Spirit. Lamp without oil is useless. This means that having the word of God is not enough without the presence of the Holy Spirit. 5. What do you think is the reason why was the bridegroom came at midnight? Maybe he wanted to test and determine the virgins who have the pure love to him. If they love him, they are willing to wait and they will be found ready when he comes.
APPLICATION 1. Christ will marry a woman who is undefiled with the things of this world. So with God’s grace, we will do our best not to be influenced by this sinful world. 2. Christ is coming to meet his people who are pure and blameless. In order for us to be qualified as his bride and live with Him in His place called heaven, let us be faithful in doing His will. 3 & 4. Holy Spirit is very important in our daily lives. Even though we have the lamp or the word of God, it will not last longer. We can shine brighter and longer if we let the Holy Spirit work in our lives. 5. We don’t know the exact time of His coming so we must be prepared all the time.
1. Sino sino ang tinutukoy sa ating binasa? Maliban sa kay Kristo o Guro. a. Abogado b. Pari c. Levita d. Samaritano 2. Ano ang kalagayan nila sa lipunan o kanilang Gawain a. Bihasa sa kautusan ni moses b. Tagapaglingkod ng Dios c. Namamahala sa temple ng Dios d. Hindi anak ng Dios, marumi ang tingin sa kanila ng mga hudyo, kagaya ng aso.
KAHULUGAN:
1. Ano ano ang role o ginawa nila sa kwento? a. Ang abogado alam niya ang mga kautusan ni Moses, at gusto niyang tuksuhin si Kristo at gusto din niya ng buhay na walang hanggan. b. Ang Pari ay isang lingkod ng Dios na nakatalaga sa Herusalem at bumababa patungo sa Jericho, at siya’y lumihis at umiwas sa sugatan. c. Ang Liveta ay isa din sa angkan ni Jacob na nakatalaga upang mangasiwa sa temple ng Dios d. Ang Samaritano ay hindi kabilang sa mga Hudyo, isa lamang siyang manlalakbay na napadaan at hindi siya nagmamadali na kagaya ng 2 nauna, nang kanyang Makita ang kalagayan ng taong sugatan. Binigyan niya kaagad ng pangunang lunas binuhusan niya ng langis at alak- bilang pangpatigil ng pagdurugo at huwag maglala o maimpeksyon, at dinala pa sa pagamutan hanggang sa gumaling.
PAGLALAPAT
1. Nagiging kagaya tayo ng isang Abogado hindi natin alam na ang pagsunod sa kautusan ay may kaakibat na pagaakma sa buhay, sumusunod tayo at nagmamahal sa Dios pero malimit na hindi natin alam kung paano natin mamahalin an gating kapuwa. 2. Bilang tayo ay mga tinawag ng Dios sa ganitong paglilingkod na kagaya ng pari o elder ay dapat din nating makita ang mga kapatid na nalulugmok huwag natin silang baliwalain. 3. Kung hindi natin Gawain ang panggagamot o hindi kasama sa ating mga task hindi tayo dapat magwalang bahala 4. Ang tunay na pagtulong ay hindi sa pananalangin o sa salita lamang, kung hindi sa gawa, kung tayo ay tutulong sa ating kapuwa, sino man siya o ano man ang katayuannila sa buhay tumulong tayo ng buong puso… ito ang nais ng Dios ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA DIOS AY ANG SUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN, AT ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA ATING KAPUWA, AY ANG MAKITA NILA, MARAMDAMAN NILA NA MAYROON SILANG KAPATID NA MARUNONG MAKIPAG KAPUWA TAO…
Pamagat: PAGPAPAYAPA NI HESUS SA BAGYO
ReplyDeletePangbukas na Katanungan:
Naranasan mo na bang tumawid sa ilog habang may malakas na bagyo? Ano ang kalagayan mo?
Kung hindi pa, paano kung makaranas ka ng ganitong sitwasyon, ano ang mararamdaman mo at ano ang una mong gagawin?
Basahin:
Markos 4:35-41 (Optional: Matthew 8:23-27 / Luke 8:22-25)
Observe (Pag-oobserba):
1. Sinu-sino ang kasama ni Hesus na dumaong sa dagat?
Sagot: Ang mga alagad
2. Anong oras sila tumawid?
Sagot: Gabi na. Madilim na
3. Anong klaseng bagyo ang naranasan nila sa gitna ng dagat?
Sagot: Malakas na hangin na may kasamang ulan. Walang babala
4. Anong ginagawa ni Hesus habang bumabagyo?
Sagot: Natutulog si Hesus!
5. Ano ang naging reaksiyon at aksyon ng mga alagad?
Sagot: Natakot, at Nainis kay Hesus. Ginising nila si Hesus
6. Ano ang sinabi ni Hesus pagkatapos ng himala?
Sagot: Bakit kayo nangatakot? Wala pa baga kayong pananampalataya?
Interpret (Kahulugan):
1. Bakit kaya sila tumawid?
Sagot: Makalayo sa mga tao para makapagpahinga dahil sila’y napagod buong araw. Mayroon silang ibang pupuntahan na pagmiministeryuhan.
2. Anong ibig sabihin kapag sinabing gabi na sila nakaalis?
Sagot: Sobrang abala sila sa buong maghapon kaya marahil sa panahon na ito ay pagod na sila. Madilim na yun ibig sabihin mas nakakatakot maglakbay. Puwede rin na tiwala sila dahil mga mangingisda naman sina Peter, Andrew, James, at John kaya kahit gabihin sila.
3. Bakit kaya nagkaroon ng bagyo eh maganda naman ang panahon buong araw?
Sagot: Sumama bigla ang panahon. Marahil sInusubok sila sa kanilang pananampalataya.
4. Bakit natutulog si Hesus kahit bumabagyo na?
Sagot: Pagod. May kapayapaan Siya kaya di Siya natatakot sa kung anong puwedeng mangyari. Puwedeng hinihintay niya ang mga alagad na patunayan ang kanilang pananampalataya sa Kaniya.
5. Ano sa palagay mo bakit nainis ang mga alagad at ginising nila si Hesus?
Sagot: Nainis sila dahil may bagyo na ay natutulog pa si Hesus, parang walang pakialam
Natakot sila na baka mamatay sila sa oras na iyon dahil hindi nila kaya ‘yung bagyo. Hindi nila kaya ang bagyo kahit sila ay mga bihasa ng mangingisda dahil hindi ito ordinaryong bagyo lamang.
6. Ano ang ibig sabihin ng himala ni Hesus?
Sagot: Makapangyarihan Siya at kaya Niyang pahintuin kahit gaano kalakas na hangin o bagyo.
Application (Pag-aplay):
ReplyDelete1. Napapagod din tayo kaya kailangan may oras ng pagpapahinga. At hindi lang sa iisang lugar ang ating misyon, may mga naghihintay pa sa ibang dako kaya kailangang umalis din upang may iba pang maabot.
2. Di man tayo nakaranas ng totoong pakikibaka sa bagyo tulad ng mga disipulo ngunit maraming mga bagyo o kadiliman sa ating buhay ang ating nararanasan tulad ng pagkakasakit, pagkawala ng trabaho, kahinaan, kamatayan ng mahal sa buhay, kawalang pag-asa, at marami pang iba na nagbibigay sa atin ng kapaguran. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo susunod sa Kaniya.
3. May mga pagkakataon na ina-allow ng PAnginoon ang mgapagsubok sa ating buhay upang makita natin ang ating pagiging walang kakayanan at tumawag sa Kaniya ng sa gayun ay lalo tayong lumakas. Ating pasalamatan na kasama natin ang Panginoon sa ating Bangka (buhay)! May kontrol Siya. Siya ang Kapitan.
4. Maaari nating maisip o maramdaman na parang walang pakialam sa atin ang Panginoon. Siya ay natutulog at at parang hindi naririnig ang ating mga panalangin na tila tumatalbog lang sa kisame. Kailangan nating magtiwala sa Kaniya dahil kaya Niyang patigilin anumang bagyo sa ating buhay. Tutulungan Niya tayo ganuman ito kalakas na tila napakabigat para sa atin.
5. Madalas kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok ay nakakalimot tayo at parang sinisisi pa natin ang Panginoon. Ngunit kailangan nating isipin ‘yung mga nakalipas ng mga himala na ginawa Niya sa ating buhay at doon ay mapapatunayan nating Siya ay tapat, makapangyarihan, walang imposible sa Kaniya, at gumagawa sa tamang panahon.
6. Natutunan kong huwag matakot kundi manampalataya sa Kaniyang kapangyarihan at sa mga pangako Nya ng pagliligtas sa akin. Ipagkatiwala natin ang ating buong buhay sa Kaniya. May mga panahon man na nadadapa tayo na tila nawawalan tayo ng pananampalataya ay handa pa rin Siyang tulungan tayo at muling ipakita sa atin na hindi Siya nagpapabaya. Siya ay Dios na buhay!
Juan 5:1-8 – Pagpapagaling sa Lalaking Taga-Betesda
ReplyDeleteA. Pagmamasid
1. Ilang taon nang maysakit ang lalaki? (38 y/o)
2. Ano ang bating-patanong ni Jesus sa lalaki? (Ibig mo bang gumaling?)
3. Saan nangyari ang himalang ito ng pagpapagaling? (sa Jerusalem, Judea)
B. Pagbibigay Pakahulugan
1. Ano ang ibig sabihin ng 38 taon nang maysakit? Tatlumput walong taon na syang nakikipagpunyagi para mabuhay. At binigyan sya ng Dios ng ganon kahabang buhay.
2. Ano ang kahulugan ng tanong ni Jesus sa lalaki? Kinuha ni Jesus ang atensyon ng lalaki. Gustong Niyang marinig din ang pagnanais ng lalaki na tumanggap ng tulong mula sa Kanya. Gusto Niyang pagalingin siya.
3. Ano ang ibig ipahiwatig ni Jesus ng pagpapagaling Niya sa lalaking ito na taga-Jerusalem? Karamihan ng himala ni Jesus ay sa Galilea nangyari. Nabibilang lang ang mga himalang ginawa Niya sa Judea dahil sa kawalan ng pananampalataya ng mga tao doon.
C. Paglalapat
1. Ingatan ang buhay natin. Mahal tayo ng Dios. Ang araw araw na buhay natin ay kaawaan at biyaya ng Dios.
2. Sa ating pisikal na karamdaman, kay Jesus tayo lumapit. Tayo din ay maysakit sa ispiritwal. Inilayo tayo ng kasalanan mula sa Dios. Lumapit tayo kay Jesus.
3. Tayo ay maging instrumento ng kaaliwan at pagpapagaling sa mga maysakit sa pisikal o ispiritwal kahit nasaan man tayo. Kahit sa lugar ng kawalan ng pananampalataya ay gagawa ang Dios ng himala.
This comment has been removed by the author.
DeletePAGPILI KAY DAVID BILANG HARI
ReplyDelete1 Samuel 16:1-13
Pagmamasid
1. Ano ang ipinagawa ng Diyos kay Samuel? (pahiran ng langis ang bagong haring papalit kay Saul)
2. Saan siya pinapunta ng Diyos? (sa Bethlehem, kay Jesse)
3. Sino ang pinili ng Diyos na maging bagong hari? (si David, ang pinakabata sa lahat ng anak ni Jesse)
Pagbibigay ng Kahulugan
1. Ano ang ibig sabihin ng pagpapahid ni Samuel ng langis?
Magkakaroon na ng bagong hari. hindi na si Saul ang hari ng Israel dahil itinakwil na siya ng Diyos bilang hari ng Israel.
2. Ano ang kahulugan ng pagsasabi ng Diyos ng saktong pangalan ng pupuntahan ni Samuel?
Kapag ang Diyos ang nag-uutos ito ay sakto: ang lugar, ang pangalan ng tao, minsan ay pati ang sukat kung ito ay gusali tulad ng templo at arko.
3. Ano ang kahulugan ng pagpili ng Diyos kay David bilang hari ng Israel?
Ang Diyos ay hindi tumitingin sa anyo, edad, o pinag-aralan. Kahit si David ay bata lang nakita ng Diyos ang kanyang kakayahan na pamunuan ang Kanyang bayan at ang pagiging malapit niya sa Diyos.
Paglalapat
1. Ang Diyos ang nagtatalaga ng mga namumuno sa Kanyang iglesya sa pamamagitan ng udyok ng Banal na Espiritu. Siya rin ang nag-aalis sa mga ito kung hindi sila sumusunod sa pamantayan Niya. Ang langis ay sumisimbulo sa Banal na Espiritu na nagbibigay ng kapangyarihan upang magawa natin ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin.
2. Kapag inuutusan tayo ng Diyos na isulong ang Kanyang gawain, ginagabayan Niya tayo kung saang lugar tayo pupunta, sinong tao ang dapat nating kausapin, at kung paano natin ito gagawin. Dinadala Niya tayo kung saan Niya nais nating gawin ang paglilingkod sa Kanya.
3. Kapag pumipili ang Diyos ng mga maglilingkod sa Kanya, di Siya tumitingin sa ating katanyagan, kakisigan, katayuan sa buhay, pinag-aralan, o karunugan. Ang tinitingnan ng Diyos ay kung ano ang relasyon natin sa Kanya at kung paano tayo sumusunod. Hindi rin dapat maging prejudice sa mga nahihirang na mga pinuno kung naniniwala tayo na sila ay kinasihan ng Banal na Espiritu. Nararapat nating igalang ang desisyon ng pumipili sa kanila.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTHE TEN VIRGINS
ReplyDeleteMATTHEW 25:1-13
OBSERVATION
1. Who are the characters in the story?
Answer: Ten virgins and the bridegroom. Verse 1
2. Who was the one the ten virgins were waiting?
Answer: The bridegroom. Verse 1
3. What is the shortcoming of the five virgins?
Answer: They did not bring extra oil. Verse 3
4. What time did the bridegroom come?
Answer: Midnight. Verse 6
5. What were the ten virgins doing when the bridegroom came?
Answer: Sleeping. Verse 7
INTERPRETATION
1. What is the meaning of virgins?
Physically, virgin is a person who has not experience sexual intercourse. Spiritually, virgins are the people who haven’t experienced to mingle with the world. They don’t do what the world is doing. Since the term “virgin” usually denotes woman, the other meaning of it is “church”.
2. What do the bridegroom represents?
In the Bible, the bridegroom represents Christ. He will marry His bride which is the church.
3. How important is the oil for the virgins?
The oil is very important because if they don’t have it, they cannot enter the wedding feast. That is the requirement. No oil, no entry.
4. What is the symbol of oil in the Bible and how important it is?
The symbol of oil in the Bible is the Holy Spirit. Lamp without oil is useless. This means that having the word of God is not enough without the presence of the Holy Spirit.
5. What do you think is the reason why was the bridegroom came at midnight?
Maybe he wanted to test and determine the virgins who have the pure love to him. If they love him, they are willing to wait and they will be found ready when he comes.
APPLICATION
1. Christ will marry a woman who is undefiled with the things of this world. So with God’s grace, we will do our best not to be influenced by this sinful world.
2. Christ is coming to meet his people who are pure and blameless. In order for us to be qualified as his bride and live with Him in His place called heaven, let us be faithful in doing His will.
3 & 4. Holy Spirit is very important in our daily lives. Even though we have the lamp or the word of God, it will not last longer. We can shine brighter and longer if we let the Holy Spirit work in our lives.
5. We don’t know the exact time of His coming so we must be prepared all the time.
Basahin: Lukas 10:25-37
ReplyDeleteOBSERBASYON:
1. Sino sino ang tinutukoy sa ating binasa? Maliban sa kay Kristo o Guro.
a. Abogado
b. Pari
c. Levita
d. Samaritano
2. Ano ang kalagayan nila sa lipunan o kanilang Gawain
a. Bihasa sa kautusan ni moses
b. Tagapaglingkod ng Dios
c. Namamahala sa temple ng Dios
d. Hindi anak ng Dios, marumi ang tingin sa kanila ng mga hudyo, kagaya ng aso.
KAHULUGAN:
1. Ano ano ang role o ginawa nila sa kwento?
a. Ang abogado alam niya ang mga kautusan ni Moses, at gusto niyang tuksuhin si Kristo at gusto din niya ng buhay na walang hanggan.
b. Ang Pari ay isang lingkod ng Dios na nakatalaga sa Herusalem at bumababa patungo sa Jericho, at siya’y lumihis at umiwas sa sugatan.
c. Ang Liveta ay isa din sa angkan ni Jacob na nakatalaga upang mangasiwa sa temple ng Dios
d. Ang Samaritano ay hindi kabilang sa mga Hudyo, isa lamang siyang manlalakbay na napadaan at hindi siya nagmamadali na kagaya ng 2 nauna, nang kanyang Makita ang kalagayan ng taong sugatan. Binigyan niya kaagad ng pangunang lunas binuhusan niya ng langis at alak- bilang pangpatigil ng pagdurugo at huwag maglala o maimpeksyon, at dinala pa sa pagamutan hanggang sa gumaling.
PAGLALAPAT
1. Nagiging kagaya tayo ng isang Abogado hindi natin alam na ang pagsunod sa kautusan ay may kaakibat na pagaakma sa buhay, sumusunod tayo at nagmamahal sa Dios pero malimit na hindi natin alam kung paano natin mamahalin an gating kapuwa.
2. Bilang tayo ay mga tinawag ng Dios sa ganitong paglilingkod na kagaya ng pari o elder ay dapat din nating makita ang mga kapatid na nalulugmok huwag natin silang baliwalain.
3. Kung hindi natin Gawain ang panggagamot o hindi kasama sa ating mga task hindi tayo dapat magwalang bahala
4. Ang tunay na pagtulong ay hindi sa pananalangin o sa salita lamang, kung hindi sa gawa, kung tayo ay tutulong sa ating kapuwa, sino man siya o ano man ang katayuannila sa buhay tumulong tayo ng buong puso… ito ang nais ng Dios
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA DIOS AY ANG SUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN, AT ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA ATING KAPUWA, AY ANG MAKITA NILA, MARAMDAMAN NILA NA MAYROON SILANG KAPATID NA MARUNONG MAKIPAG KAPUWA TAO…