LESSON 3 - Teaching Church Leadership
I-post nyo ang inyong lecture outline para sa Church Leadership Seminar (Roles & Functions) dito.
Lagyan ng lecture objectives at detailed plan and outline.
Eto ang breakdown ng parts. Be ready to conduct this seminar sa Monday. Ang mga trainees ang audience nyo! Tig-20 min. ang bawat sub-lecture. We will begin sa Monday morning (9-11:30 am).
Remember to be creative, interesting and interactive. And don't forget the rule of 7.
Part 1: Elders (Dave)
Part 2: Church Secretary/Clerk (Dang)
Part 3: Church Treasurer (Weng)
Part 4: Sabbath School Leader/Superintendent (Mira)
Part 5: AY Leader (Glynis)
Part 6: Deacons & Deaconesses (Rose)
Happy preparing!

This comment has been removed by the author.
ReplyDeletechurch leadership seminar topic: Elder
DeleteDescription: C:\Users\Gab_Valerie\Downloads\logosda.jpg
Church leadership seminar
LAYUNIN:
Sa katapusan ng lektura ay natutunan na nila ang kahalagahan ng mga opesyales ng iglesya, lalo na ang isang matanda sa Iglesya. Makakaya na nila na ipaliwanag o mailista ang role o tungkulin nila…
Isaalang-alang na din nila na ang pagiging matanda sa iglesiya (elder) ay may kaakibat na rasposibilidad; sa Dios, at sa buong iglesiya.
Introduction: God is the God of order
(1) Matanda sa iglesia.
1. kahalagahan – kung wala ang pastor, ang matanda sa iglisia ang pinakamataas na posisyon sa isang iglisia.
a. OT pinapili ng Dios si Moses ng pitong pung mga matatanda upang gumaan ang pasanin ni Moses. Num. 11:16-17
b. NT tinawag itong “marangal na Gawain” elder, Obispo, tagapangasiwa
c. Ang iglesia ay naka depende sa mga matanda sa iglesia sa mga pangangasiwa, mga pagsamba, paglilingkod, pagaalaga sa mga kapatid, at pagsusulong sa kanila na maisagawa ang misyon ng iglesia local at pangsanlibutan.
2. Kwalipikasyon at proseso –pagkatawag ng Dios at pakahalal ng congragasyon o kapulungan.
a. Kahit paikiramdam ng isang kapatid na siya ay tinawag sa tungkulin, kailangan pa din na maihalal sya sa posisyon. at upang pagtibayin at nang maging epektibo, kailangang maordinahan.
b. Sino ang pwedeng ihalal sa posesyon? Titus 1:5-9
c. Nakatalaga sa Dios(committed to God).
i. Buong (total) pagtatalaga (total commitment)
ii. Araw-araw na pagtatalaga (daily commitment)
iii. Pagtatalaga ng panahon (time commitment
d. Punong tagapaglingkod (servant leadership)
3. Gawain (job description)
a. Pinunong pang espiriwal
b. Tagapag pakain ng salita ng Dios sa mga tupa (pastor)
c. Tagapangasiwa (overseer)
d. Tagapangalaga (nurture)
e. Taga plano at tagapanguna sa paglilingkod sa mga serbisyo ng pang iglesia (administrator)
f. Taga suporta sa iba pang leader ng simbahan.
g. Pinangungunahan din niya ang paglago ng iglesia
i. Pangsanlibutan –pangangasiwaan ang mga programa galing sa GC pababa sa local na iglesia (promote stewardship)
ii. Pang local –mapabalik ang mga nawawalang mga kaanib, pagdadalaw at pagbibigay ng payo, at pangangalaga sa mga bagong kapatid.
4. Limitasyon ng matanda sa iglesia.
i. Ang kanyang tungkulin ay local.
ii. Ang kanyang tungkulin ay hindi panghabang panahon. (note: maliban na lang kung maihahalal muli.)
TUNGKULIN NG AY LEADER
ReplyDeleteLAYUNIN: (Para sa AY Leader)
Pagkatapos ng seminar ay natutunan na ng AY Leader ang kaniyang responsibilidad sa Iglesiya.
· Kanya ng tinanggap ang responsibilidad na ito ng buong puso.
· Kaya na niya itong isa-isahing sabihin.
· Kaya na niya itong ipaliwanag.
LAYUNIN: (Para sa Missionary/ies)
Pagkatapos ng seminar ay natutunan na ng mga missionaries ang tungkulin ng AY Leader sa Iglesiya.
· Kaya na nila itong isa-isahing sabihin.
· Kaya na nila itong ipaliwanag.
· Kaya na nila itong ituro
1ST SESSION:
ü Props: Cartolina/Manila Paper na nakasulat ang mga puntos sa ibaba.
Materials Needed: Cartolina/Manila Paper, Tape, Scissor, Pentel pen
ü Activity: Concept Attainment - Mga Katangian ng AY Leader
I. KATANGIAN
A. Espirituwal na Lider – may katangian ni Kristo sa kaniyang buhay
i. Mapanalanginin – Ito ay parte na ng kaniyang buhay at nagbibigay sa kaniya ng buhay at sigla.
ii. Palagiang Nagbabasa ng Salita ng Dios – ito ang pinagkukunan niya ng gabay at lakas
iii. May pagmamahal sa kaluluwa – Ramdam niya na mayroon siyang bahagi sa pagpapalapit ng kaluluwa sa harapan ng Panginoon. Ito ang
B. Mabuting Lider – Mayroong kagustuhan na magawa niya ng buong tapat ang kaniyang tungkulin.
i. Mabuting halimbawa (Servant Leadership) – naaakay niya ang iba sa pamamagitan ng kaniyang buhay
ii. Nahihikayat ang mga Kabataan na makibahagi – Nagiging guide, counselor, at encourager siya upang matulungan niya ang mga kabataan na maranasan ang kasiyahan sa pagtatagumpay ng kanilang samahan at gawain.
iii. Nakakapagsanay ng mga Kabataan – Para sa mga future leaders. Dito nasusukat kung gaano ka kagaling na lider.
2nd SESSION:
ü Props: White Board, White Board Marker
ü Activity: Audience Participation (Hierarchy of SDA Governance)
II. KOOPERASYON - May Kooperasyon sa Buong Programang Pangkabataan ng Iglesiya. Alam ang mga plano mula sa taas hanggang sa local na iglesiya.
A. Nakikipag-ugnayan sa Lokal na Iglesiya – Pastor, Liders/Sponsors, Church Board.
B. Nakikipag-ugnayan sa Ibang AY Leaders/Officers – District, Area (fellowship, youth gatherings, etc)
C. Nakikipag-ugnayan sa Director ng mga Youth Ministries – Conference / Mission
ü Props: Cartolina/Manila Paper na nakasulat ang mga puntos sa ibaba.
ü Activity: Audience Participation (Pagbabasa ng sabay-sabay sa mga puntos – Magplano, Aprubahan, Isakatuparan, Ebalwasyon - MAISE)
III. GAWAIN SA IGLESIYA
A. Magplano – kasama ang mga opisyales ng kabataan sa iyong lokal na Iglesiya. Ito ay “team effort” at “brainstorming” kaya lahat ay may bahagi para sa mas magandang programa. Ikaw ang maglalatag ng pangkabuuang plano at magsasabi din ng iyong sariling opinyon.
B. Aprubahan – Kapag ito’y naaprubahan niyo ay puwede niyo na din itong ipresent sa Church Board at hintayin din ang pag-apruba.
C. Isakatuparan – Tingnan kung sino ang mga tao na makakagawa ng iba’t ibang bahagi ng programa at i-assign sila. Kailangan nito ng monitoring para siguradong nagagawa ng lahat ang kani-kaniyang gawain.
D. Ebalwasyon – Kasama ang opisyales mo at tingnan kung nakamtan ba ang layunin ninyo at tingnan ang dapat pang ayusin upang sa susunod ay mas magiging maganda ang programa.
3rd SESSION:
ReplyDeleteü Props: Cartolina na nakasulat ang mga points sa ibaba.
ü Activity: Audience Participation - Fill in the Blanks (the Underline Words)
IV. PAGGAWA NG PROGRAMA
A. Laging Sentro ang Panginoon – Laging layunin dapat ng programa ang mailapit ang mga kabataan sa Panginoon. Ang pagmamahal nila sa Panginoon ang maguudyok sa kanila upang makibahagi sa lahat ng programa ganun din sa paglilingkod.
B. Magkaroon ng Iba-ibang/Sari-saring Programa (Variety) – Hindi dapat paulit-ulit ang programa na saulo na ng mga dumadalo ang laman ng programa. Kasama ng iyong mga opisyales ay magplano ng iba-ibang paraan upang naiiba ang inyong programa bawat Sabado. Ito ay dapat planado at ang mga may bahagi ay handa.
C. Gawing Kaakit-akit ang Programa– Hindi pang-aliw kundi nagbibigay inspirasyon at nagpapalakas ng espirituwalidad.
D. Gamitin lahat ng kabataan – Gawing kabahagi ang lahat hindi lamang ‘yung mga may talento o ‘yung mga may gusto kundi lalo’t higit sa mga mahiyain upang sila din ay nasasanay at natuturuan.
E. Ayusin ang lugar – laging tingnan ang kaayusan ng lugar – kalinisan, ayos, materyales na gagamitin (Visual Aids, Sound System, Lighting, Ventilation, Song Book, etc.)
F. Tapusin ng Maluwalhati – Laging tapusin ito ng may mataas na espiritu. Huwag hayaan na umuwi ang mga tao na bigo (frustrated / confused) at hindi nabago.
KONKLUSIYON:
Mahirap ang maging lider. Kung ang pagiging lider ay mahirap, mas mahirap magakay ng mga kabataan. Pero ito ay isang nakakasiya at kapuri-puring gawain (exciting and rewarding). Sa umpisa ay mahirap at nakakapagod pero kapag natuto ka na at lumago ka na ay ayaw mo ng iwanan. Ang resulta ay hindi agad-agad. Maiintindihan mo lamang ang tunay na kahalagahan ng iyong pagpapagal kapag pagkatapos ng ilang buwan o taon ay may mga kabataang lalapit sayo at sasabihin sayo kung ano ang nagawa mo sa kanilang buhay (impact). Marami ang mabi-bless sa iyong paglilingkod kaya gawin mo ng mahusay ang iyong gawain at gamitin ang oportunidad na ito. Pagdating ng Panginoon, sasabihin niya, “Magaling! Tapat at mabuting lingcod… pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.”
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMGA TUNGKULIN NG INGAT-YAMAN
ReplyDeleteLayunin:
Pagkatapos ng lektura, ang mga misyonaryo ay:
1. Natutunan nila ang kasaysayan sa biblia tungkol sa ingat-yaman sa iglesiya.
2. Nalaman nila ang ibat-ibang uri ng pananalapi sa iglesiya na hinahawakan ng ingat-yaman.
3. Kaya nang ilista at gawin ang mga tungkulin ng isang ingat-yaman.
Introduction: Ipapanood ang 2minute video na “The March of Unqualified”
Sa oras na ito ay ating pag-aaralan ang isang mahalagang tungkulin na ipinagkaloob ng Panginoon sa iglesiya.
I. Ang pagkakaroon ng ingat-yaman ng iglesiya ay galing sa Biblia
a. Kasaysayan kung saan nagpasimula ang pagkakaroon ng ingat-yaman sa iglesiya.
b. Kahulugan (Definition) ng ingat-yaman.
II. Ibat-ibang uri ng pananalapi sa Iglesiya
a. Conference funds- mga pananalaping pumupunta sa conference
b. Local church funds- mga pananalaping naiiwan sa iglesiya upang gamitin sa pagpapatakbo nito.
c. Auxiliary funds- mga departamento o sangay ng iglesiya
• Game: Matching Type- Sila ay tatayo isa-isa upang i-match kung saan napapabilang ang mga pananalapi na nakasulat sa papel.
III. Mga tungkulin ng Ingat-yaman
a. Pangongolekta,
• Ipapakita ang tithe envelope at i-explain ang ibat-ibang impormasyon na hihihiling nito.
b. Pagbibilang,
• Magbibigay ng halimbawa ng nabilang na pera at kung magkano ang mapupunta sa conference, at maiiwan sa iglesiya.
c. Pagreresibo,
• Ipapakita ang ibat-ibang church forms
d. Pagtatala,
• Ipapakita ang paggawa ng talaan sa notebook.
e. Pagbabangko
f. Pag-uulat (report)
1. conference treasurer/auditor
2. Iglesiya
IV. Pagbubuod ng tungkulin ng Ingat-yaman.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteLecture Outline for Sabbath School Seminar
ReplyDeleteLayunin: Pagkatapos ng lekturang ito ang mga missionary ay:
1. Mababanggit ang mga tungkulin ng isang Sabbath School Leader
2. Maipaliliwanag ang mga kailangang gawin ng isang Sabbath School Leader
3. Maipapakita kung paano gumawa ng isang maayos na programa sa Sabbath School
Materyales: Chart, Manila Paper, Pentel pen, handout
Panimula: Ipapakita ang isang larawan ng Blood circulation at kung paano ito gumagawa sa ating katawan
I. Layunin ng Sabbath School sa Iglesya
A. Pag-aaral ng Banal na Kasulatan – Ipaliwanag ang kahalagahan ng araw-araw na pag-aaral ng Bibliya
1. Pag-aaral ng Sabbath School Lesson
2. Personal na Pag-aaral ng Bibliya
B. Pagsasama-sama sa Iglesya – bakit mahalaga ang pagdalo sa iglesya
1. Pagdalo sa Sabbath School
C. Pagdadala ng ebanghelyo sa labas ng iglesya – ano ang kahalagahan ng paglabas sa komunidad
1. Branch Sabbath School
2. Vacation Bible School
D. Pag-alam sa pansalibutang gawain ng iglesya – bakit mahalagang malaman ang nangyayari sa ibang lugar
1. lokal na iglesya
2. ibang bansa
II. Gawain ng Sabbath School Leader
A. Tagapagplano ng programa sa iglesya para sa Sabbath School – gumagawa ng maayos na programa
B. Patatagin ang espiritwalidad ng mga kaanib sa pamamagitan ng pag-aaral ng Sabbath School Quarterly – nahihimok ang mga miyembro na mag-aral araw-araw
C. Pagtataguyod ng gawain ng iglesya sa local at pansanlibutan – makita ng mga miyembro na kabahagi sila sa pag-abot sa iba
III. Paggawa ng Programa sa Sabbath School
A. Maghanda ng Tema – depende sa kung ano ang importanteng event sa panahong iyon
B. Gumawa ng programa base sa tema – nakabase sa tema ang bawat bahagi ng programa
C. Ibigay ang bahagi ng mga gaganap bago dumating ang araw ng programa – kung naibibigay ng mas maaga ang mga bahagi napaghahandaan ito ng may bahagi
IV. Konklusyon – Dahil ang Sabbath School ang puso ng iglesya mahalaga ang bahagi ng Sabbath School Leader upang lumago ang pananampalataya ng mga kapatid. Pinagpaplanuhan ang programa bawat Sabbath upang mas maging kaaya-aya sa Panginoon at nakakahimok sa mga kapatid na laging pumunta sa church. Ang apat na layunin ng Sabbath School ay dapat laging naipapakita sa mga programa tuwing Sabado. Ito ang magpapasigla at magtuturo sa mga miyembro kung paano makikisangkot sa pag-abot sa ibang mga tao na hindi pa kilala si Kristo. Ang masiglang Sabbath School ay nagpapakita na masigla ang iglesya.
Tungkulin ng Diakono at Diakonesa
ReplyDeleteLayunin: Sa katapusan ng leksyon ang mga lider ay:
1. makapagbibigay ng tungkulin ng diakono at diakonesa
2. maipapaliwanag ang tungkulin ng mga diakono at diakonesa
3. masasagot ang mga tanong sa talakayan
Kagamitan: Kartolina, manila paper, props
I. Panimula
Magpapakita ng isang gawain ng diakonesa sa iglesia at tatanungin kung sino ang gumagawa nito. Halimbawa: Pagbati sa mga dumarating na miyembro sa simbahan
II. Tungkulin ng mga Diakono
A. Komite ng mga Diakono
1. Binubuo ito kapag maraming Diakono sa Iglesia
a. Punong Diakono bilang Chairman
b. Sekretaryo
2. Nagbibigay ng mga responsibilidad sa mga diakono
3. Nag-uusap ng kanilang maitutulong sa iglesia
4. Nagsasanay sa mga bagong diakono
B. Serbisyo ng Ordinasyon sa mga Diakono
1. Ang Bagong Halal na Diakono
a. Kailangan ma-ordinahan muna
b. Ino-ordinahan ng ordinadong Pastor
2. Seremonya ng Ordinasyon
a. Ang serbisyo ay kakikitaan ng kasimplehan
b. Ginagawa sa harapan ng mga miyembro
1. Ang Pastor ay magbibigay ng maikling pananalita tungkol sa:
i. tungkulin ng diakono sang-ayon sa Bibliya
ii. katangian ng isang diakono
iii. mga pangunahing tungkulin sa iglesia na hindi dapat gawin
2. Maikling pananalita tungkol sa katapatan sa paglilingkod
3. Pananalangin at pagpatong ng kamay ng pastor at elder
3. Ang Ordinadong Diakono ay:
a. Hindi na oordinahan ulit kung lilipat sa ibang iglesia
b. Kailangang ihalal muli kung:
1. tapos na ang termino ng pagiging diakono at
2. gusto nyang magpatuloy sa pagiging diakono
c. Ang mga elder na nahalal bilang diakono ay hindi na kailangang ordinahan ulit
1. Nasasaklaw na nito ang ordinasyon niya sa pagiging elder
C. Ang mga Diakono ay hindi awtorisadong:
1. Manguna sa mga ordinansa sa iglesia at mga miting
2. Magkasal
3. Gumawa ng mga opisyal na tungkulin sa reception
4. Magproseso ng paglilipat ng membership ng mga miyembro
D. Tungkulin ng mga Diakono
1. Assistant sa mga Serbisyo sa Iglesia at mga Miting
a. pagbati sa mga bisita at mga miyembro sa pagpasok sa simbahan
b. paggabay kung saan makakaupo
c. pakikiisa sa pagkakaroon ng maayos na mga miting sa iglesia
2. Pagdadalaw sa mga miyembro
a. isang beses bawat ikatlong buwan
3. Paghahanda ng Sebisyo sa Bautismo
4. Assistant sa Serbisyo ng Komunyon
a. paghahanda ng mga gamit sa paghuhugasan ng paa: tuwalya, palanggana, tubig, timba
b. paglilibing ng natirang tinapay at katas ng ubas
c. pagtatago ng ginamit na tela at iba pang kagamitan
5. Tagapangalaga ng kapakanan ng maysakit at mahihirap
a. Maglaan ng pondo para sa mga maysakit, mahihirap at nangangailangan
b. Mag-ulat sa iglesia ng mga pangangailangan nila
c. Kunin ang suporta ng mga kapatiran
6. Tagapangalaga ng mga Kagamitan at Pag-aari ng Iglesia
1. ito ay kung walang komite ng Tagapangalaga ng simbahan
III. Tungkulin ng mga Diakonesa
ReplyDeleteA. Komite ng mga Diakonesa
1. Binubuo kapag maraming Diakonesa sa Iglesia
a. Punong Diakonesa bilang Chairman
b. Sekretarya
2. Nagbibigay ng mga responsibilidad sa mga diakonesa
3. Nakikiisa sa komite ng mga diakono
4. Nagsasanay sa mga bagong diakonesa
B. Serbisyo ng Ordinasyon sa mga Diakonesa
1. Ino-ordinahan ng ordinadong Pastor
2. Ang serbisyo ay kakikitaan ng kasimplehan
3. Ginagawa sa harapan ng mga miyembro
4. Ang Ordinadong Diakonesa ay:
a. Hindi na oordinahan ulit kung lilipat sa ibang iglesia
b. Kailangang ihalal muli kung:
1. tapos na ang termino ng pagiging diakono at
2. gusto nyang magpatuloy sa pagiging diakono
C. Tungkulin ng mga Diakonesa
1. Pagbati sa mga bisita at mga miyembro sa pagpasok sa simbahan
2. Pagdadalaw sa mga miyembro kapag hindi nakadalo sa iglesia
3. Paghahanda ng Sebisyo sa Bautismo
a. Paggabay sa mga babaeng babawtismuhan
b. Pagbibigay ng payo at tulong sa kung ano ang isusuot
c. Pagtatago ng mga nagamit na damit
4. Pagsasaayos ng Serbisyo ng Komunyon
a. paghahanda ng gagamiting mesa
b. paghahanda ng tinapay at katas ng ubas
c. paglalagay ng katas ng ubas sa iinuman
d. paglalagay sa mesa ng tinapay
e. Paglalagay ng telang panakip sa tinapay at iinumin
f. paggabay sa paghuhugasan ng paa, lalo na sa mga babaeng panauhin at mga bagong miyembro
5. Tagapangalaga ng kapakanan ng maysakit at mahihirap
6. Tagapangalaga ng mga Pag-aari ng Iglesia
1. kung walang komite sa pangangalaga ng simbahan
IV. Pagbubuod
Ano-ano ang mga tungkulin ng diakono at diakonesa? Magbigay ng isa.
V. Konklusyon
Nakita natin na mahalaga ang tungkulin ng mga diakono at diakonesa sa iglesia. Kailangang maipaliwanag nang maayos sa kanila ang ganitong mga tungkulin. Suportahan natin sila sa kanilang mga gawain upang mapagaan at maging masaya ang kanilang paglilingkod sa iglesia.