Wednesday, February 25, 2015

INDUCTIVE BIBLE STUDY final

 Basahin: Lukas 10:25-37

OBSERBASYON:

1.     Sino sino ang tinutukoy sa ating binasa? Maliban sa kay Kristo o Guro.
a.     Abogado
b.    Pari
c.     Levita
d.    Samaritano
2.     Ano ang kalagayan nila sa lipunan o kanilang Gawain
a.     Bihasa sa kautusan ni moses
b.    Tagapaglingkod ng Dios
c.     Namamahala sa temple ng Dios
d.    Hindi anak ng Dios, marumi ang tingin sa kanila ng mga hudyo, kagaya ng aso.

KAHULUGAN:
           
1.     Ano ano ang role o ginawa nila sa kwento?
a.     Ang abogado alam niya ang mga kautusan ni Moses, at gusto niyang tuksuhin si Kristo at gusto din niya ng buhay na walang hanggan.
b.    Ang Pari ay isang lingkod ng Dios na nakatalaga sa Herusalem at bumababa patungo sa Jericho, at siya’y lumihis at umiwas sa sugatan.
c.     Ang Liveta ay isa din sa angkan ni Jacob na nakatalaga upang mangasiwa sa temple ng Dios
d.    Ang Samaritano ay hindi kabilang sa mga Hudyo, isa lamang siyang manlalakbay na napadaan at hindi siya nagmamadali na kagaya ng 2 nauna, nang kanyang Makita ang kalagayan ng taong sugatan. Binigyan niya kaagad ng pangunang lunas binuhusan niya ng langis at alak- bilang pangpatigil ng pagdurugo at huwag maglala o maimpeksyon, at dinala pa sa pagamutan hanggang sa gumaling.

PAGLALAPAT

ANONG IMPLIKASYON NITO SA ATIN BILANG TAYO NA KAGAYA NILA?
           
1.     Nagiging kagaya tayo ng isang Abogado hindi natin alam na ang pagsunod sa kautusan ay may kaakibat na pagaakma sa buhay, sumusunod tayo at nagmamahal sa Dios pero malimit na hindi natin alam kung paano natin mamahalin an gating kapuwa.
2.     Bilang tayo ay mga tinawag ng Dios sa ganitong paglilingkod na kagaya ng pari o elder ay dapat din nating makita ang mga kapatid na nalulugmok huwag natin silang baliwalain.
3.     Kung hindi natin Gawain ang panggagamot o hindi kasama sa ating mga task hindi tayo dapat magwalang bahala
4.     Ang tunay na pagtulong ay hindi sa pananalangin o sa salita lamang, kung hindi sa gawa, kung tayo ay tutulong sa ating kapuwa, sino man siya o ano man ang katayuannila sa buhay tumulong tayo ng buong puso… ito ang nais ng Dios
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA DIOS AY ANG SUNDIN ANG KANYANG KALOOBAN, AT ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL SA ATING KAPUWA, AY ANG MAKITA NILA, MARAMDAMAN NILA NA MAYROON SILANG KAPATID NA MARUNONG MAKIPAG KAPUWA TAO…





“SATISFYING GOOD NEWS FOR HUNGER” II kings 7:3-9

OBSERBASYON:

1.     Ano ang nakita ninyo sa kalagayan ng 4 na main karakter?
§  May sakit na ketong, wala sila sa loob ng bayan
2.     Ano ang sitwasyon na masamang balita sa parting ito ng Israel?
§  May kagutom, kalaban ang bansang siria.
3.     Ano ano ang nakita nila sa kampamento ng Siria?
§  Walang tao, nakataling kabayo at asno, pagkain, pilak, ginto, at bihisan

PAKAHULUGAN
1.     Ano ang dahilan bakit silang apat ay wala sa loob ng bayan?
a.     Dahil sa kanilang kalagayan sa kalusugan na nakakahawa, bawal sila sa loob
b.    Dahil wala din pagkain sa loob ng bayan.
2.     Ano ang naisip nila na sulusyon sa kanilang kalagayan?
a.     “Patay na kung patay” pupunta sa campo ng siria.
3.     Ano ang makasariling motibo ang ginawa ng apat na ketongin?
a.     Magpakabusog, kanya kanyang tago ng kalakal na natagpuan.

PAGLALAPAT

1.     Ano sa tingin ninyo na na “realize” napagtanto ng apat na ketongin sa bandang huli?
a.     Hindi mabuti ang kanilang ginagawa…
2.     Ano ang mabuting balita na kailangang-kailangan ng bayan na hindi na dapat paumagahan?
a.     Mayroon ng pagkain. Iniwanan din ng sirian ang mga pilak at ginto.
3.     Kung ikaw ay nasa katayuan ng ketongin ano din ang iyong gagawin?
a.     Kung may mabuting balita dapat ay sabihin  agad na may pagmamadali
b.    Hindi mabuti ang manahimik kung mayroon kang mabuting balita.
c.     Huwag paghintayin ang paglaganap ng mabuting balita lalo na sa mga anak ng Hari.

4.     Ano ang mabuting balita na mayroon kayo na pwedeng Ibahagi sa iba?





Ruth 3:7-17

Obserbasyon:

1. ano ang request ni ruth?
a. makapamulot ng tiratirang trigo sa mga nagsisipagani.
2. ano ang sinabi ni Booz?
a. huwag nang mamulot sa ibang bukid o lumabas man dito.
3. ano ano ang ipinakain ni booz kay ruth?
a. tinapay, sinawsaw sa suka, at sinangag na trigo.

Kahulugan: 

1. bakit kaya ganoon ang kanyang request?
a. sapagkat wala silang pagkain sa panahon na yon
2. bakit nagpatirapa si ruth sa harap ni Booz?
a. sapagkat nilingap siya ni booz, kahit siya ay hindi Israelita (moabita)
3. ano ang gagawin ng batan ni booz upang hindi mapahiya si ruth?
a. kung walang maiwan sa pagdadkot, ihugot sa gitna ng bigkis, hayaang mamulot hanggang sa gitna ng bigkis

Paglalapat:

1. Sino sa palagay niyo ang kahalintulad ni booz?
a. si Kristo, o isang taong mabait at mayaman
2. ano ang mga bagay na inyong nagawa na dati ang may kaparihu ng kay ruth?
a. karanasan ko...
3. ano ang kahulugan para sa iyo ng "taga ibang lupa"
a. hindi rin ako taga Israel, subalit nilingap din ako ng Dios. at pinagpapala sa kanyang bayan bilang kanyang anak.








2 Samuel 18:19- 33


Obserbasyon:

1. Sino sino ang mga tao sa ating binasa?
a. Ahimaas anak ni Sadoc
b. Hari
c. Joab
d. Absalom
e. Cusita
2. Ano ang request ni Ahimaas?
a. patakbuhin upang magsaysay sa Hari
3. ano ang gustong ipagawa ni Joab sa Cusita?
a. yumaon at magsaysay sa hari kung ano ang kanyang nakita

Interpretasyon:

1. ano ang gawain o trabaho nina Ahimaas at Cusita?
a. mga tagapagdala ng balita
2. ano ang dahilan sa pangungulit ni Ahimaas?
a. gusto nya talagang tumakbo, nakakahiya sa angkan nila, tapos mabilis talaga sya tumakbo.
3. ano ang ibig sabihin kung may parating na nagiisa?
a. may balita sa kanyang bibig.

Paglalapat:

1. anong dahilan bakit pinatayo lang ng hari si Ahimaas?
a. dahil walang laman ang dala niyang balita.
2. ano ang leksyon na itinuturo sa atin ang naging karanasan ni himaas?
a. mahirap magpadalos dalos... kahit trabaho na natin kung ito ay hindi ibinigay o ipinagagawa sa atin wala din tayo mapapala.
3. papaano tayo magiging mga Cusita ngayon?
a. sa pagawa sa gawain ng Dios, sa pagiging missionary, tayo ay nagiging taga bigay ng balita, o mabuting balita para sa iba.


Inductive Bible Study Outline



PAKAININ ANG NAGUGUTOM
Mateo 14:13-21

A. Pagmamasid
1. Ano ang kailangan ng mga tao pagkatapos nilang maghintay kay Jesus at pagalingin ang mga may sakit?
            Pagkain
2. Saan sila kumuha ng pagkain?
            May nakita ang mga alagad na 5 tinapay at 2 isda
    Ilang tao ang kailangang kumain? 5,000, bukod pa ang mga babaae at mga bata
    Sapat ba ang pagkaing ito para sa kanila? Hindi. Bakit? Kakaunti
3. Ano ang ginawa ni Jesus nang ibigay sa kanya ang 5 tinapay at 2 isda?
            Nanalangin, binasbasan, at pinagputol-putol ito

B. Pagbibigay ng Kahulugan
1. Bakit hindi pinaalis ni Jesus ang mga tao para humanap ng pagkain? (v 16)
            Gusto Niyang magtiwala ang mga alagad na kayang Niyang pakainin ang lahat ng mga taong naroroon.
2. Bakit nanalangin si Jesus nang ibigay sa Kanya ang 5 tinapay at 2 isda?
            Upang magpasalamat sa ibinigay na pagkain sa kanila at basbasan ang mga pagkaing ito. Ito rin ay pagpapakita ni Jesus ng Kanyang Kapangyarihan
3. Anong ibig sabihin ng 12 basket ng pagkain na natira matapos kumain lahat ng mga tao?
            Labis-labis ang ibinigay ng Panginoong Jesus

C. Paglalapat
1. Ano ang ginawa mo nang ikaw ay nakaranas ng gutom?
            Naghanap kami ng pagkain. Nanalangin din kami sa Diyos at nagtiwala na magpapadala Siya ng pangangailangan namin.
2. Ano ang itinuturo ng pananalangin natin sa mga ibinibigay ng Diyos na pagpapala sa atin?
            Ito ay nagtuturo sa atin na maging mapagpasalamat sa lahat ng ibinibigay Niya sa atin. Ipinakikilala rin nito na tinatanggap natin na ang Diyos ang Nagtutustos sa ating mga pangangailangan.
3. May pagkakataon ba na kulang ang ibinibigay ng Diyos?
            Sa maraming pagkakataon hindi lang sapat ang ibinibigay Niya kundi labis-labis upang may maibahagi din naman tayo sa iba. Nais ng Diyos na maging daluyan tayo ng pagpapala para sa ibang mga tao.

PAGKAKAROON MULA SA WALA



Scripture: LUKE 5:4-11

 Observation:
1.       Ano ang ipinagawa ni Hesus kay Simon?
(Verse 4)
2.       Gaano karaming isda ang nahuli nina Simon?
(Verse 6-7)
3.       Ano ang ginawa nina Simon pagkasadsad sa lupa ng kanilang daong?
(Verse 11)

Interpretation:
1.       Kung ipinahulog ni Hesus ang lambat mo sa partikular na dako,” ano kayang likas merun Siya?
 (God is all knowing, He knows better)
2.       Kung dahil sa gabay ni Hesus kaya ka nakahuli ng ganun karaming isda, ano ang maiisip mo tungkol sa Kaniya?
(Nothing’s impossible to Him. He can do miracles. He is Powerful)
3.       Kung ikaw si Simon at nakita ng sarili mong mata ang himala na ito, ano kaya ang iyong tugon kay Hesus?
              (Our Response – Follow Him or Serve Him)

Application:
1.       Ano ang mga sitwasyon sa inyong buhay na nakita nyo na ang Panginoon ay nakakaalam ng lahat ng ating pangangailangan?
2.       Ano naman ang mararamdaman niyo kapag sobra-sobra pa sa hinihingi niyo ang binigay ng Panginoon?
3.       Sa mga maraming beses na ipinapakita ng Panginoon ang Kaniyang kabutihan sa inyong buhay, ano ang maaari niyong gawin bilang tugon sa Kaniya?