PAKAININ ANG NAGUGUTOM
Mateo 14:13-21
A.
Pagmamasid
1.
Ano ang kailangan ng mga tao pagkatapos nilang maghintay kay Jesus at
pagalingin ang mga may sakit?
Pagkain
2.
Saan sila kumuha ng pagkain?
May nakita ang mga alagad na 5
tinapay at 2 isda
Ilang tao ang kailangang kumain? 5,000, bukod
pa ang mga babaae at mga bata
Sapat ba ang pagkaing ito para sa kanila?
Hindi. Bakit? Kakaunti
3.
Ano ang ginawa ni Jesus nang ibigay sa kanya ang 5 tinapay at 2 isda?
Nanalangin, binasbasan, at
pinagputol-putol ito
B.
Pagbibigay ng Kahulugan
1.
Bakit hindi pinaalis ni Jesus ang mga tao para humanap ng pagkain? (v 16)
Gusto Niyang magtiwala ang mga
alagad na kayang Niyang pakainin ang lahat ng mga taong naroroon.
2.
Bakit nanalangin si Jesus nang ibigay sa Kanya ang 5 tinapay at 2 isda?
Upang magpasalamat sa ibinigay na
pagkain sa kanila at basbasan ang mga pagkaing ito. Ito rin ay pagpapakita ni
Jesus ng Kanyang Kapangyarihan
3.
Anong ibig sabihin ng 12 basket ng pagkain na natira matapos kumain lahat ng
mga tao?
Labis-labis ang ibinigay ng
Panginoong Jesus
C.
Paglalapat
1.
Ano ang ginawa mo nang ikaw ay nakaranas ng gutom?
Naghanap kami ng pagkain. Nanalangin
din kami sa Diyos at nagtiwala na magpapadala Siya ng pangangailangan namin.
2.
Ano ang itinuturo ng pananalangin natin sa mga ibinibigay ng Diyos na pagpapala
sa atin?
Ito ay nagtuturo sa atin na maging
mapagpasalamat sa lahat ng ibinibigay Niya sa atin. Ipinakikilala rin nito na
tinatanggap natin na ang Diyos ang Nagtutustos sa ating mga pangangailangan.
3.
May pagkakataon ba na kulang ang ibinibigay ng Diyos?
Sa maraming pagkakataon hindi lang
sapat ang ibinibigay Niya kundi labis-labis upang may maibahagi din naman tayo
sa iba. Nais ng Diyos na maging daluyan tayo ng pagpapala para sa ibang mga
tao.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.